Posts Tagged ‘basura’

Mga Nakakalokang Scene Ngayong Undas

This post is actually requested by my sis. Naisip ko kung kaya ko mag post sa ibang blogs ko ng paid blog reviews, why not post something like this kapalit ng 20 pesos load. haha. Binigyan nya kasi ako ng load para daw ipost ko ito.

My sis is working sa Chinese Gen and katabi lang nun yung North Cementery, nakita daw nya ang gabundok na basura na parang naligaw ata siya sa payatas habang papasok sa work. Talagang kita ko sa mukha niya ang pagka imbyerna. Sabi niya “nakakainis yung mga tao, parang walang kadala-dala sa nangyari kay Ondoy”. I got her point. Tama siya, habang busy ang mga tao sa pagimbestiga kung sino ang dapat sisihin sa exaggerated na baha nung nangyari dahil sa bagyong Ondoy at Pepeng ay busy din sila sa pagtapon ng basura everytime and everywhere parang 7/11. Sinisisi ng iba yung nagutos daw na pakawalan ang tubig sa dam, sinisisi din nila yung MMDA dahil nasayang lang daw yung mamahaling gadget na dapat sana eh tutulong para maiwasan ang pagbaha, sinisisi din nila ang gobyerno dahil wala daw ginagawa, eh kayo ba may ginagawa? Bakit kung saan-saan pa sila tumitingin para lang malaman kung sino ang salarin eh anjan lang ang salamin at makikita na kung sino.

Ang mga pilipino kasi eh mga donya at don. Lagi tayo naghahanap at nagpapakiramdaman kung sino ang unang kikilos. Mga spoiled brat tayong lahat, lagi umaasa sa ibang tao. Sana man lang kahit sa simpleng paraan na huwag pagtatapon ng basura sa kung saan-saan eh makatulong tayo para maging maayos ang bansa natin.

Grab it!
Exchange of links and banners are gladly entertained here :)
Be Updated!

Enter your email address:



I ♥ Nuffnang

Where To Find Me?
Blog Hop Booth
Blog Statistics
Check Google Page Rank
No To Copycats!
Protected by Copyscape Unique Content Validation